Korte Suprema inaprubahan ang guidelines sa implementasyon ng Hague Service Convention para maresolba ang court delays sa mga judicial documents na nasa foreign jurisdiction
Pinagtibay ng Korte Suprema ang mga panuntunan sa implementasyon sa Pilipinas ng Hague Service Convention on the Service Abroad of Judicial Documents in Civil and Commercial Matters.
Ayon sa Supreme Court Public Information Office, mareresolba ang mga court delays at magiging simple na ang pagsisilbi ng mga summons at ng iba pang dokumento na nasa foreign jurisdiction dahil sa nasabing Convention.
Ang Guidelines ay para sa operasyon at pagpapatupad ng Hague Service Convention partikular sa mga judicial documents sa mga civil o commercial matters.
Layon ng Convention na maging mabilis at maayos ang pagpapadala ng mga judicial at extrajudicial documents mula sa isang State Party patungo sa isa pang State party.
Sinabi ng SC PIO na ang pagkaka-apruba sa Guidelines ay alinsunod sa prayoridad ni Chief Justice Diosdado Peralta na i-declog o linisin ang mga court dockets.
Magkakabisa ang convention sa unang araw ng Oktubre.
Moira Encina