Korte Suprema inatasan ang Malacañang at dalawang kapulungan ng Kongreso na magkomento sa petisyon laban sa 2025 National Budget

0
Korte Suprema inatasan ang Malacañang at dalawang kapulungan ng Kongreso na magkomento sa petisyon laban sa 2025 National Budget

Pinasasagot ng Korte Suprema ang Malacañang, Senado, at Kamara kaugnay sa petisyon na kumukuwestiyon sa 2025 National Budget.

Binigyan ng Supreme Court ng 10 araw sina Executive Secretary Lucas Bersamin at ang dalawang kapulungan ng Kongreso para magkomento sa petisyon, na isinampa ni Atty. Vic Rodriguez at iba pang petitioners.

Sa kanilang petisyon, hiniling nina Rodriguez na ipawalang-bisa at ideklara ng Supreme Court na labag sa Saligang Batas ang Republic Act 12116 o 2025 General Appropriations Act.

Ito ay bunsod ng mga blangkong bahagi sa Bicameral report ng Senado at Kamara sa 2025 budget na nagkakahalaga ng daang bilyong piso.

End

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *