Korte Suprema inilunsad ang Strategic Plan for Judicial Innovations 2022-2027
Pormal nang inilunsad ng Supreme Court ang Strategic Plan for Judicial Innovations, 2022-2027 (SPJI).
Ang SPJI ang magsisilbing blueprint para sa mga aksyon ng hudikatura sa susunod na limang taon.
Ang nasabing plano ay nakasalig sa mandato ng hudikatura sa ilalim ng Saligang Batas na timely and fair justice, equal and inclusive justice, technologically adaptive management, at transparent and accountable justice.
Pangunahin sa innovation agenda ng SPJI ay ang pagrebyu sa organizational structure and operations ng iba’t ibang tanggapan bg hudikatura at ang pag-develop ng information and communication technology infrastructure sa hudikatura.
Kasama rin sa outcome na inaasahan na makakamit sa plano ay ang efficiency sa pamamagitan ng pag-streamline sa court systems at epektibong monitoring and evaluation sa performance ng justices, hukom, at court officials at employees.
Moira Encina