Korte Suprema kinatigan ang ligalidad ng bagong wage scheme para sa mga bus drivers at konduktor

Pinagtibay ng Korte Suprema ang ligalidad ng part-fixed-part-performance-based wage system para sa mga driver at konduktor ng mga pampublikong bus.

Sa 52-pahinang desisyon na isinulat ni Associate Justice Marvic Leonen, ibinasura ng Supreme Court ang petisyon na inihain ng Provincial Bus Operators Association of the Philippines, Southern Luzon Bus Operators Association, Inc., Inter City Bus Operators Association, at City of San Jose Del Monte Bus Operators Association.

Ayon sa desisyon, nabigo ang mga petitioners na patunayan na labag sa Saligang Batas ang mga kautusan ng DOLE, LTFRB at National Wages and Productivity Commission kaugnay sa pagpapatupad ng bagong compensation scheme para sa mga driver at konduktor ng bus kapalit ng boundary system.

Sinabi ng SC na sang-ayon sa kapangyarihan ng DOLE at LTFRB ang mga inisyu nitong kautusan.

Makatwiran at hindi nalalabag din ng mga kinukwestyong kautusan ang due process dahil ang layunin nito ay mapaunlad ang ikinabubuhay ng mga bus driver at konduktor at matiyak ang kaligtasan ng mga commuters.

Nakasaad pa sa ruling na ang pagkakaroon ng fixed income sa mga bus drivers ay nagpapatas sa playing field kaya naiiwasan ang kompetisyon at pakikipagunahan sa ibang mga tsuper.

Alinsunod sa  part-fixed-part-performance-based scheme, dapat magkaroon ng mutual agreement ang bus owner o operator at mga driver at konduktor sa magiging fixed wage at hindi ito dapat mas bababa sa minimum wage.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *