Korte Suprema may target tentative locations na para sa 2023 Bar Exams
Labinlimang lungsod sa bansa ang target na pagsagawaan ng Korte Suprema ng 2023 Bar Examinations.
Ito ay batay sa bar bulletin na inisyu ni 2023 Bar Chair at Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando.
Sa Luzon ang tentative target locations ng pagsusulit ay sa: Baguio City; Tuguegarao City; San Fernando City, La Union; Naga City; Maynila; Makati City; Pasay City; Quezon City; at Taguig City.
Sa Visayas naman ay sa: Cebu City; Iloilo City; at Tacloban City.
Ang mga lungsod naman ng Davao, Cagayan de Oro, at Zamboanga ang planong pagdausan ng eksaminasyon sa Mindanao.
Nilinaw ni Justice Hernando na hindi pa pinal ang mga nasabing lugar at maaari pang mabago.
Aniya, nasa proseso pa ang Office of the Bar Chair sa pagtukoy sa geographical demand sa bawat tentative target location.
Ang venue-matching mechanics at pinal na testing centers ay iaanunsiyo ng SC sa hiwalay na bar bulletin.
Moira Encina