Korte Suprema pinagtibay ang optional retirement ni Justice Edgardo delos Santos
Maagang magreretiro si Supreme Court Associate Justice Edgardo delos Santos.
Sa notice na inisyu ng Supreme Court En Banc, sinabi na inaprubahan nito ang hiling na optional retirement ni Delos Santos.
Epektibo sa June 30, 2021 ang pagreretiro ni Delos Santos sa pwesto.
Nagpasya ang mahistrado na magretiro nang maaga dahil sa kalagayan ng kalusugan nito.
Sa June 12, 2022 na ika-70 kaarawan nito ang mandatory retirement sana ni Delos Santos.
Kaugnay nito, inatasan ng Supreme Court ang Commitee on Retirement na makipag-ugnayan sa tanggapan ni Delos Santos ukol sa pagsasagawa ng retirement ceremony ng justice.
Nahirang bilang SC Justice si Delos Santos noong Disyembre 2019.
Bago maitalaga sa Korte Suprema, nagsilbing Executive Justice ng Court of Appeals Visayas Station si Delos Santos.
Moira Encina