Korte Suprema pinigil ang implementasyon ng bagong real property tax sa Quezon City

Pinigil ng Korte Suprema ang Implementasyon sa ordinansa ng Quezon City na nagpapataw ng mas mataas na singil sa buwis sa mga real property.

Sa en banc session ng Korte suprema, nagpalabas ito ng TRO na pansamantalang pumipigil sa pagpapatupad ng Quezon City Ordinance No. 2256 Series of 2016.

Ang petisyon ay inihain ng Alliance of Quezon City Homeowners’ Association Incorporated laban sa  kay Quezon City Mayor Herbert Bautista, Quezon City Assessor’s Office at ng Quezon City Treasurer’s Office.

Sa ilalim ng ordinansa, tataas ng hanggang limang beses o limang daang porsyento ang halaga ng mga lupain sa Quezon City.

Tataas din ng hanggang mahigit 130 percent ang aktwal na real property taxes na babayaran ng mga business owner at mga residente sa lungsod dahil sa mababang assessment level.

Ang ordinansa ay magsisimula sanang ipatupad ngayong taon para sa mga lote, at sa taong 2018 naman ipatutupad sa mga gusali at iba pang istruktura.

Pinagkukomento naman ng Korte Suprema ang mga respondent sa petisyon sa loob ng sampung araw.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *