Kredebilidad at pagka American citizens ni DSWD Secretary Erwin Tulfo, nakwestyon sa pagdinig ng CA
Ipinagpaliban na ng Commission on Appointment ang Ad Interim Appointment ni DSWD Secretary Erwin Tulfo.
Marami pa kasing kwestyon ang mga miyembro ng CA sa isyu ng kaniyang pagiging American citizen habang may ilang grupo na kumukwestyon sa kanyang appointment .
Sa pagdinig ginisa ng mga mambabatas si Tulfo at kinuwestiyon ang kaniyang kredebilidad.
Sa kaniyang pagsalang sa makapangyarihang Commisison on Appointment, tinanong ni Sagip Partylist Representative Rodante Marcoleta kung tinalikuran na ba ni Tulfo ang kaniyang pagiging American Citizen .
Batay raw sa kaniyang nakuhang profile investigation report ni Tulfo nagsilbi itong US Army katunayang nadestino pa ito sa Europe mula 1992 hanggang 1996.
Sa halip na sagutin hiniling ni Tulfo sa mga mambabatas na sumailalim sa Executive Session.
Pero sinabi ni Marcoleta bukod sa pagiging US citizen, na convict na si Tulfo sa apat na kaso ng libel.
Batay aniya sa deklarasyon ng Korte suprema, ang libel ay isang moral terpitude.
May mga kaso aniya na ilang opisyal ang nadisqualify sa paghawak ng anumang posisyon dahil na convict na sa isang kaso .
Noong nakaraang Kongreso, magugunitang ibinasura ng CA ang appointment ni dating Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay dahil sa pagiging American Citizen.
Meanne Corvera