Krimen laban sa mga Asyanong nasa US, higit sampung libo na
Lumitaw sa isang pag-aaral na inilathala ng kilusang STOP AAPI Hate, na lumobo na sa mahigit 10,000 ang mga krimen laban sa mga Asyanong nasa Estados Unidos.
Mula lamang ito ng Marso 19, 2020 hanggang Setyembre 30, 2021 at matatandaang ilan sa mga biktima nito ay mga Filipinong nakatira sa iba’t-ibang bahagi ng Amerika.
Sinabi ni Cynthia Choi, co-founder ng Stop AAPI Hate at co-executive director ng Chinese for Affirmative Action, na nakalulungkot ngunit hindi nakagugulat na ang mga Asian American na may mas mababang antas ng edukasyon ay nakakaranas nito.
Aniya, ang anti-Asian hate ay nakatali sa systematic nationality hate laban sa Asian communities. Mahihinto ito hindi sa pamamagitan lamang ng pagpapatupad ng batas kundi ng mas malalim na mga hakbang.
Dagdag pa ni Choi, lubha na itong nakakabahala para sa mga magulang na Asian American, 3kung saan 30% sa mga ito ang nag-uulat na ang kanilang mga anak ay nakaranas ng anti-Asian hate sa kpinapasukan nilang paaralan, habang 31% naman ng mga magulang na Pacific Islander ang nag-uulat ng parehong sitwasyon ng kanilang mga anak. (AFP)