Krisis sa Myanmar, South China Sea nangunguna sa agenda ng ASEAN Summit

Pormal na magsisimula ngayong Martes ang 43rd Association of Southeast Asian Nation o ASEAN Summit and Related Summits sa Jakarta, Indonesia.

Sa pagtitipon ng mga ASEAN Leaders sa Indonesia, inaasahang pangunahing tatalakayin ang krisis sa Myanmar at ang lumalagong paninindigan ng China para angkinin ang kabuan ng South China Sea.

Magkakaroon din serye ng pagpupulong ang ASEAN sa Beijing, Washington at iba pang bansa kung saan sisikapin ni US Vice President Kamala Harris na mapigilan ang assertiveness ng China sa pinagtatalunang teritoryo bilang kahalili ni US President Joe Biden.

Bukod kay Biden, hindi rin dumalo sa pagtitipon ang iba pang heavyweights gaya nina Chinese President Xi Jinpin at Russian President Vladimir Putin.

Sa halip, kakatawanin sila nina Chinese premier Li Qiang at Russian Foreign Minister Sergei Lavrov.

Pero bago ang hiwalay na Summits kasama ang China, US, Japan, Australia, India, Canada, South Korea at East Asia, sisikapin ng ASEAN members na makabuo ng deklarasyon para tipunin ang posisyon ng lahat ng miyembro sa usapin ng Myanmar, kung saan nagdulot ng madugong crackdown sa mga kontra.

Bukod sa Myanmar, masesentro din ang talakayan sa mga agresibong hakbang ng China sa South China Sea kasunod ng paglalabas nito noong nakaraang linggo ng bagong mapa para angkinin ang South China Sea sa kabuuan, at sumasapaw sa pag-a-angkin ng iba pang bansa gaya ng Pilipinas, Malaysia, Vietnam at Brunei.

Inaasahang ipaparating ng mga lider ang kanilang pangamba sa ginagawang land reclamation, aktibidad at seryosong insidente sa pinagtatalunang teritoryo, kabilang ang mga panibagong tensyon na magsasapanganib sa kapayapaan, seguridad at katatagan ng rehiyon.

Weng dela Fuente

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *