Kulay ng prutas at gulay na kinakain, may iba’t-ibang benepisyong dulot sa katawan
Mahalaga na alam natin angmga benepisyong dulot ng kulay ng mga pagkaing ating kinakain gaya ng mga prutas at gulay.
Ayon kay Dra. Meddie Edodollon, Medical Director ng Holistic Integrative Care Center o HICC, makatutulong umano ito ng malaki upang maprotektahan ang katawan laban sa mga uri ng sakit at karamdaman.
Aniya, “According to the colors kasi ang ating sustansyang nakukuha sa pagkain na tinatawag na Phytonutrients …ang Phytonutrients, yan ung nutrients na nakukuha natin sa pagkain ng prutas at gulay…out”
Inihalimbawa ni Dra. Edodollon na ang pula ay makatutulong upang mapababa ang blood pressure at makapagpatibay ng joint tissue, ang orange at yellow naman ay makatutulong sa ikapagkakaroon ng malinaw na mga mata at panlaban sa impeksyon, ang blue at purple naman ay nakapagpapalusog ng digestive system at nakababawas ng pamamaga, ang berde ay nakapagpapababa ng panganib sa pagkakaroon ng cancer at nakapagpapalakas ng immune system.
Sinabi pa ni Dra. Edodollon na kung pag uusapan natin ay pagkain, make sure that everytime we eat …you eat because you want to nourish yourself…para magkaroon ka ng energy sa trabaho…energy sa family mo…and energy to love your self….your family and other people…spread love thru food” and let food be thy medicine and medicine be thy food”.
Lagi nating tatandaan na ang pagkain ang makapagdudulot ng lusog ng katawan, ngunit ang pagkain din ang maaaring maging sanhi ng sakit o karamdaman.
Ulat ni Belle Surara