Kumbinsido si Senador Ronald “Bato” dela Rosa na matatawag na kulto ang Socorro Bayanihan Services Inc.
Batay aniya ito sa ginawa nilang pag-iinspeksyon sa mismong compound ng grupo sa Sitio Kapihan sa Surigao del Norte
Ayon sa senador, batay sa kanyang pag-iinterview sa mga miyembro, tila bulag na sumusunod ang mga ito sa mga utos ng kanilang liderato.
“Talagang lumalabas na kulto ito by all definitions by all elements of a cult andun makikita sa SBSI yung strict reference to a single personality yan yung kulto. Yung paghi-heal niya kuno-kuno. Pagiging quack doctor naniwala mga tao. Elemennto yan ng cultism. Na-confirm ko pa lahat ng babae nga maigsi buhok. talagang very strict adherence sa anumang order na ibigay ng lider. Sino bang matinong tao ang iinom ng tae ng kambing para gumalingsiya?” galit na pahayag ni Senador Ronald dela Rosa.
Kwestyonable rin aniya bakit pumayag ang mga miyembro ng SBSI na ipakasal ang kanilang mga menor de edad na anak na hindi aniya normal .
Napatunayan aniya nila ito batay sa records ng DSWD doon.
“Part of DSWD na magkaroon sila ng Psycho social evaluation sa mga bata na ito for all we know children are suffering experience sa Kapihan baka malaman natin thru DSWD actively na ma-involve dito.” dugtong pa ng Senador.
Ayon sa senador isasama na rin nila sa imbestigasyon ang nakitang iligal na libingan sa compound kung saan nakalagay ang puntod ng 20 bata dahil hindi ito pinayagan ng LGU at wala silang permit
Nakadepende aniya sa mga matatanggap nilang reklamo kung ipapahukay pa ang mga bangkay.
“Saka titingnan din natin yung mga posibleng circumstances behind the death of these children. I have given advice to NBI na imbestigahan nila ito ano nangyari. Bakit puro bata nandun sa libingan.” dagdag pa ng mambabatas.
Inamin naman ng Senador na wala silang nakitang ebidensya kung may private army at shabu laboratory ang grupo gaya ng mga naunang alegasyon laban sa kanila.
Hinimok naman ni Dela Rosa ang Department of Environment and Natural Resources na rebyuhin ang PACBRMA o kasunduang pinasok ng DENR sa SBSI kung saan pinapayagan silang gamitin ang lugar sa sitio Kapihan ang isang protected area.
“Ang cultism kasi nagpo-flourish in a very secluded and isolated environment. Kung di na sila ma-seclude doon, di na sila ma-isolate i don’t think cultism with flourish. It will die down in its natural death. DENR talaga susi dito. Pag sinabi ng DENR revoke, sigurado irelocate sila.” wika pa aniya ng Senador
Sa ngayon nasa kustodiya pa ng Senado ang lider ng grupo na si Jay Rence Quilario alyas Senyor Aguila at tatlong iba pa.
Magpapatawag sila ng isa pang pagdinig bago magbukas ang sesyon sa Nobyembre at sisimulan agad ang pagbalangkas ng committee report
Meanne Corvera