Kumpanya sa Norway, nagbibigay ng “Paw-ternity leave’ sa kanilang mga empleyado na may bagong alaga
Ang Musti group, na tinaguriang Largest pet supply company sa mga Nordic countries na may higit 1,500 employees, ay nag-aalok ng “Paw-ternity leave” sa kaniyang mga empleyado, na kinabibilangan ng tatlong araw na paid days off, kapag meron silang bagong alagang tuta o kuting.
Sinabi ng Musti group CEO na si David Rönnberg, na ang unang ilang araw ay mahalaga sa tuta o kuting para masanay sa bago niyang amo at kapaligiran.
Aniya, nangangailangan ng constant attention at unconditional love ang mga tuta o kuting, kaya kailangang maglaan ng oras sa kanila, para alalayan sila sa bagong kapaligiran, makuha ang tiwala ng amo at alaga, at matulungan sila na maiwasan ang pagkakaroon ng behavioral disorders.
Ayon naman kay Henri Mäkinen, Marketing director ng Musti group, dapat ding bigyan ng ibang mga kompanya ng pawternity leave ang kanilang mga empleyado, dahil mainam ito sa kapakanan ng mga alagang hayop.
Hindi aniya mangyayari ng isang araw lang o isang linggo, ang “Puppy socialization and training” dahil maaaring makaramdam ng lungkot ang mga alaga nating hayop lalu na kung bata pa ang mga ito, kung matagal silang maiiwang mag-isa sa bahay.
=============