Kuwait Foreign Affairs Ministry kinondena ang pagpatay sa Pinay OFW na si Jullebee Ranara
Nagpaabot ng pakikiramay ang Foreign Affairs Ministry ng Kuwait sa gobyerno ng Pilpinas at sa pamilya ng Pilipinang OFW na si Jubellee Ranara na brutal na pinaslang.
Ayon sa Philippine Embassy sa Kuwait, kinondena ni Kuwait Foreign Minister Sheikh Salem Abdullah Al-Jaber Al-Sabah ang pagpatay kay Ranara.
Tiniyak ng Kuwaiti official na mabibigyan ng hustisya ang pamilya ng biktima at papatawan ng parusa ang salarin na nakakulong na dahil sa karumal- dumal na krimen.
Patuloy naman na tutulong ang Ministry of Foreign Affairs sa Embahada ng Pilipinas sa pagbabantay sa kaso ng pagpatay kay Ranara.
Nilinaw din ni Sheik Salem na hindi sumasalamin sa karakter at pag-uugali ng mga mamamayan at gobyerno ng Kuwait ang ginawa ng salarin.
Moira Encina