Kuweba sa Brazil gumuho, 9 na bumbero ang nasawi
Siyam na bumbero ang nasawi habang isa ang nailigtas, matapos gumuho ang ibabaw na bahagi ng isang kuweba kung saan sila nagsasagawa ng training.
Ayon sa tweet ng Sao Paulo fire department, nangyari ang aksidente habang ang isang grupo ng 26 na bumbero ay nagsasagawa ng training exercise sa isang kuwebang malapit sa siyudad ng Altinopolis.
Sa mga naunang ulat, nabatid na tumulong na ang pulisya at emergency health teams upang mailigtas ang mga na-trap sa guho ngunit naging mahirap ito dahil sa malakas na pag-ulan at panganib ng posibilidad na muling magkaroon ng pagguho.
Batay pa sa tweet ng Sao Paulo fire department, wala nang naiwang mga biktima sa loob ng gumuhong kuweba.
Kuwento ni Cristina Trifoni, isa ng isa sa instructos na kasama sa training event, plano nv grupo na magpalipas ng gabi sa loob ng kuweba ngunit gumuho ang entrance nito. (AFP)