Kuwestiyong ligal sa pagsibak ng Office of the President kay Overall Deputy Ombudsman Melchor Carandang handang harapin ng Malakanyang
Naninindigan ang Malakanyang na legal ang ginawang pagsibak ng Office of the President kay Overall Deputy Ombudsman Melchor Carandang.
Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na ang tanging hindi sakop ng Executive Department ay ang posisyon ng Ombudsman dahil ito ay impeachable position.
Ayon kay Roque malaya si Carandang na tumakbo sa Korte Suprema para kuwestiyunin ang dimissal order ng Office of the President.
Inihayag ni Roque hanggat walang inilalabas na temporary restraining oredr o TRO sa kaso ni Carandang, in-effect ang dismissal order ng Office of the Ombudsman sa overall Deputy Ombudsman.
Ulat ni Vic Somintac