Kyrgios target ang Wimbledon quarters
Balik aksyon na si Nick Kyrgios sa Wimbledon ngayong Lunes pagkatapos ng kanyang dramatikong tagumpay laban kay Stefanos Tsitsipas, habang papalapit siya sa isang semi-final kay Rafael Nadal.
Tinalo ng Australian si Tsitispas sa isang mainit na four-set thriller nitong Sabado, kung saan hiniling niyang patalsikin ang fourth seed sa torneo matapos patamaan ng bila ang mga manonood.
Tinawag din ni Kyrgios na isang “kahihiyan” ang umpire, kung saan hanggang sa post-match press conference aydala nito ang init ng ulo.
Ayon naman sa natalong Greek player, ang kaniyang kalaban ay may “evil side” at inilarawan ito bilang isang “bully,” bagay na tinawanan lamang ni Kyrgios.
Ang kagaspangan ng ugaling ipinakita nitong Sabado ni Kyrgios, na ranked 40th sa buong mundo, ay hindi ang unang pagkakataon sa tournament.
Subali’t iba ang kakaharapin niyang challenge laban sa Amerikanong si Brandon Nakashima, isang manlalarong hindi pa niya nakaharap noon, kung saan maaring mahirapan siyang ulitin ang “big-match intensity” sa Centre Court.
Si Kyrgios, na sa quarter-finals ng dalawang Grand Slams lamang nakaabot, ay naniniwalang nasa kaniya ang “firepower” para magwagi sa Wimbledon.
Aniya . . . “Round by round, if I keep doing my things, I feel good. I’m all right.”
Samantala, tinalo ni Nadal si Lorenzo Sonego ng Italy, at ang susunod naman niyang makakalaban ay ang Dutch 21st seed na si Botic van de Zandschulp. Target ni Nadal na makuha ang third leg ng isang calendar Grand Slam.
Dinomina ng 22-time Grand Slam champion, na dalawang ulit na ring nanalo sa All England Club, ang huli sa 16 na straight sets, bago niya kinailangan ang apat pang sets para manalo sa dalawa niyang opening matches.
Ayon kay Nadal . . . “My best match, without a doubt, since the tournament started. I made improvements today. Very happy for that. I made a lot of things much better than the previous days, the determination, the way that I manage to play more aggressive, going to the net plenty of times.”
© Agence France-Presse