Kyrgios, umatras sa Wimbledon dahil sa wrist injury
Umatras na sa paglalaro sa Wimbledon si Nick Kyrgios dahil sa tinamong wrist injury, 12 buwan makaraang mgatapos bilang runner-up kay Novac Djokovic.
Sinabi ng Australian tennis player, “I’m really sad to say that I have to withdraw from Wimbledon this year. I had hurt my wrist as I prepared in van to play in Mallorca last week.”
Ito ay dahil sa nahihirapan siyang makabawi mula sa operasyon sa tuhod, kaya’t limitado lamang sa isang match ang maaari niyang lahukan ngayong 2023.
Aniya, “I tried my hardest to be ready after my surgery and to be able to step on the Wimbledon courts again. During my comeback, I experienced some pain in my wrist during Mallorca.”
Dagdag pa niya, “As a precaution, I had it scanned and it came back showing a torn ligament in my wrist. I tried everything to be able to play and I am disappointed to say that I just didn’t have enough time to manage it before Wimbledon. I’ll be back, and as always, I appreciate the support from all my fans.”
Nakatakda sanang harapin ni Kyrgios ang wild card na si David Goffin sa unang round sa All England Club ngayong Lunes, habang ang kaniya namang puwesto sa draw ay mapupunta sa isang lucky loser sa qualifying.
Photo courtesy of AFP
Nitong Linggo, sinabi ni Kyrgios na ang kanyang pakikipaglaban upang makabalik sa pagiging “fully fit” ay “brutal.”
Gayunman aniya, “I didn’t miss the sport. I was almost dreading coming back a little bit, but it’s my job.”
Aminado rin ito na may mga “question mark” sa kakayahan niyang maglaro sa best-of-fives sets, pagkatapos ng mahabang pagliban.
Sinabi ni Kyrgios, “I feel like to the outside world, people don’t understand. Just because it’s not contact, it’s not that physical. I dare someone to go out there and play four hours with Novak and see how you feel afterwards.”