Labi ng OFW na naiulat na nawawala noong October 2024, naiuwi na sa bansa

Courtesy: OWWA
Matapos ang matagal na paghihintay at pagsisikap ng pamahalaan, naiuwi na rin ang labi ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si Dafnie Nacalaban, at nakatakda itong dalhin pabalik sa kanilang probinsya upang makapiling ng kanyang pamilya.
Si Dafnie ay naiulat na nawawala noong Oktubre 2024 ng kanyang pangalawang employer sa Kuwait.

Courtesy: OWWA
Makalipas ang dalawang buwan, natagpuan ang kanyang bangkay sa bahay ng isang Kuwaiti national.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng Department of Foreign Affairs, Department of Migrant Workers, Overseas Workers Welfare Administration, at ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwait sa mga awtoridad upang matiyak na mabibigyan ng hustisya si Dafnie.

Courtesy: OWWA
Nagpaabot na ng taos-pusong pakikiramay ang Overseas Workers Welfare Administration sa pamilya ni Dafnie, habang patuloy pa ring ipaglalaban ang karapatan at kapakanan ng mga OFW.
Archie Amado