Labing-anim patay sa sunog sa isang mall sa China
Labing-anim katao ang namatay nang masunog ang isang 14-na palapag na shopping center sa Zigong, Sichuan province.
Ayon sa report, nagsimula ang sunog sa ground ng gusali.
Humigit-kumulang sa 30 katao ang nailigtas mula sa nasunog na complex.
Firefighters extinguish a fire tearing through a shopping centre in Zigong in China’s southwestern Sichuan province on July 17, 2024. A fire that tore through a shopping centre in southwestern China has killed 16 people, state media reported on July 18. Rescue operations concluded at around 3:00 am on July 18, according to the local fire and rescue services cited by state news agency Xinhua. (Photo by CNS / AFP)
Ang Zigong, na humigit-kumulang 1,900 kilometro (1,200 milya) mula sa Beijing, kabisera ng China, ay tahanan ng halos 2.5 milyong katao.
Ang mga sunog ay pangkaraniwan na sa China dahil sa kakulangan ng safety standards at poor enforcement.
This screengrab taken on July 18, 2024 from a UGC video footage shot on July 17 shows firefighters extinguishing a fire tearing through a shopping centre in Zigong in China’s southwestern Sichuan province. A fire that tore through a shopping centre in southwestern China has killed 16 people, state media reported on July 18. Rescue operations concluded at around 3:00 am on July 18, according to the local fire and rescue services cited by state news agency Xinhua. (Photo by -UGC / UGC / AFP)
Noong lamang Enero ngayong taon, dosenang katao ang namatay sa nangyaring sunog sa isang tindahan sa central city ng Xinyu, na ang sanhi ayon sa mga ulat ay ang ilegal na paggamit ng apoy ng mga mangagawa sa basement ng tindahan.
Enero rin nang mamatay naman ang hindi bababa sa 15 katao sa sunog na sumiklab sa isang residential building.
Ang naturang sunog ay nangyari ilang araw lamang pagkatapos ng isa pang sunog sa isang eskuwelahan sa Henan province sa central China na ikinamatay ng 13 mga bata, na pawang natutulog sa isang dormitoryo nang mangyari ang sakuna.