Labing-apat pang mga Pilipino mula Gaza, darating sa bansa sa February 21
Sinabi ng Philippine Embassy sa Egypt, na 14 pang mga Pilipino ang nakatawid na mula Gaza patungong Egypt sa pamamagitan ng Rafah border.
Ayon sa embahada, ang mga Pinoy na may kasamang dalawang Palestinian relatives, ay umalis noong Feb. 17, at inaasahang darating sa Pilipinas sa Feb. 21.
Sinabi pa ng embahada, na sa ngayon, 136 mula sa 137 mga Pinoy ang nailikas na mula Gaza patungong Egypt.
Sa pamamagitan ito ng joint efforts ng mga embahada ng Pilipinas sa Cairo, Amman at Tel Aviv, at ng DFA-Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs.
Patuloy naman ang paglulunsd ng mga operasyon ng Israel sa Gaza kasunod ng October 7 attacks ng Hamas.
Sa report ng international media, partikular na inilunsad kamakailan lamang ang sunod-sunod na air raids at artillery fire sa southern Gaza.
Ayon sa Israel war cabinet member na si Benny Gantz, paaabutin ng Israel ang kanilang mga operasyon sa Rafah sa Egyptian border kapag hindi pa rin napalaya ang mga bihag na nasa Gaza.