Labing-isa nawawala, libu-libo ang inilikas sa pagtama ng bagyo sa south China
Labing-isa katao ang nawawala kasunod ng mga bagyong nanalasa sa southern China, kung saan libu-libo rin ang lumikas sanhi ng napakalakas na mga pag-ulan.
Bumuhos ang malakas na ulan sa malawak na katimugang lalawigan ng Guangdong nitong mga nakaraang araw, umapaw ang mga ilog na nagdulot ng pangamba ng matinding pagbaha.
Ayon sa state news agency na Xinhua banggit ang local emergency management department, “A total of 11 people are missing after continuous heavy rainfall hit many parts of (Guangdong) in recent days.”
Dagdag pa nito, mahigit 53,000 katao na ang inilikas sa buong probinsiya, kung saan mahigit sa 45,000 ay mula sa Qingyuan city sa northern Guangdong, na nasa pampang ng Bei River, isang tributary sa mas malawak na Pearl River Delta.
Inaasahan namang magpapatuloy hanggang ngayong Lunes ang malakas na mga pag-ulan, kung saan batay sa pagtaya ng meteorological authorities ay magkakaroon ng thunderstorms at malakas na hangin sa mga baybayin ng Guangdong, isang kahabaan ng dagat na nasa hangganan ng mga pangunahing lungsod kabilang ang Hong Kong at Shenzhen.
Sinabi pa ng National Meteorological Centre, “Neighbouring provinces, including parts of Fujian, Guizhou and Guangxi, will also be affected by “short-term heavy rainfall.” It is expected that the main impact period of strong convection will last from daytime until night.”
Ang lalawigan ng Guangdong ang manufacturing center ng China, na tahanan ng humigit-kumulang sa 127 milyong katao.
Sa bayan ng Jiangwan, anim katao ang nasaktan at ilang bilang din ang na-trap sa landslides na dulot ng malakas na mga pag-ulan.
Makikita sa mga larawang inilabas ng state broadcaster na CCTV, ang mga bahay na sinira ng putik, at ang mga taong nagkakanlong sa public sports court.
Nitong Linggo ay iniulat ng CCTV na ang baha na may taas na hanggang 5.8 metro (19 talampakan) o lampas sa warning limit ay maaaring tumama sa Pearl River tributaries ngayong Lunes.
Hindi na bago sa China ang ‘extreme weather’ ngunit nitong mga nakaraang taon, ang bansa ay hinagupit ng matitinding mga pagbaha, grabeng tagtuyot at labis na init.
Ang extreme weather events na mas naging madalas at malala ay bunga ng climate change na dulot ng human-emitted greenhouse gases, at ang China ang ‘biggest emitter’ sa mundo.