Labing-isa patay sa northern Vietnam matapos matabunan ng landslide ang isang van
Hindi bababa sa 11 katao ang namatay makaraang matabunan ng landslide na dulot ng malakas na mga pag-ulan, ang isang van na bumibiyahe sa northern Vietnam.
Nagsimula na ang rainy season sa northern Vietnam na may malalakas na mga pag-ulan, kaya’t delikado na ang pagbiyahe sa kahabaan ng mga kalsadang nasa bundok.
Nalibing sa landslide ang isang 16-seater van habang bumabagtas ito sa Bac Me district sa Ha Giang province.
This picture taken and released by the Vietnam News Agency (VNA) on July 13, 2024 shows rescuers carrying out a casualty for further attention at a hospital, after a landslide in Ha Giang province that killed at least 11 people. A landslide triggered by heavy rains buried and killed at least eleven people who were travelling in a van in northern Vietnam, the country’s disaster management authority said on July 13. (Photo by Vietnam News Agency / AFP)
Labing-isang bangkay ang narekober ng rescuers, kabilang ang isang batang lalaki ayon sa disaster agency.
Anim ang natagpuang buhay at dinala sa pinakamalapit na ospital, habang patuloy namang hinahanap ang dalawa pang nawawala.
Ang panahon ng tag-ulan mula June hanggang November ay malimit na nagdadala ng mga pagbaha at landslides sa northern Vietnam.
Nito lamang nakalipas na buwan, tatlo katao ang namatay dulot ng matinding pagbaha sa Ha Giang province.
Noon namang nakaraang taon, nag-iwan ng 169 kataong patay o nawawala ang natural disasters sa Vietnam.
Una nang nagbabala ang mga siyentipiko na ang extreme weather events sa buong mundo ay mas nagiging matindi at madalas dahil sa climate change.