Labing-isang Ukrainian children nakabalik na mula sa Russia
Labing-isang Ukrainian children ang nakatawid na sa border mula sa Belarus patungong Ukraine.
Mahigit anim na oras na naghintay ang mga miyembro ng pamilya sa paglabas ng mga bata mula sa isang humanitarian crossing sa Belarus border.
Ang 16-anyos na si Oleksandr, ang pinakamatanda sa mga batang bumalik galing sa Moscow sa pamamagitan ng isang Qatar-mediated scheme.
Eleven Ukrainian children were returned from Russia and Russian-occupied territories of Ukraine / Roman PILIPEY / AFP
Ang mga bata ay tinanggap ng Qatari embassy sa Moscow noong Lunes bago bumiyahe patungong Belarus at naglakad sa isang kilometrong border zone, habang ang ibang kaanak naman ay nakita na ng direkta ang mga bata sa Moscow.
Isinakay naman sa ambulansiya at itinakbo sa ospital ang dalawang batang may malubhang sakit.
Sa pagtaya ng Ukraine, 20,000 mga bata ang sapilitang dinala sa Russia simula nang sumiklab ang giyera noong February 2022.
Ang hakbang ay tinawag ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na isang “genocide,” na itinanggi naman ng Russia.
Sinabi ni Ukrainian Human Rights Commissioner Dmytro Lubinets, na ang naturang grupo ng mga bata ang ika-apat at pinakamalaki sa mga bumalik sa tulong ng Qatar, na ang iba ay dalawang taon lamang.
Tiniyak ni Lubinets sa mga naghihintay na kaanak, na ibabalik nila ang mga bata.
Si Oleksandr, ay hindi na nakita ng 47-anyos niyang tiyahin simula nang sumiklab ang giyera.
Tatlong ulit itong nabigo sa pagtatangkang makuha ang pamangkin, ngunit nitong mga nakaraan ay nagawa naman niyang makausap ito sa telepono.
Kuwento ng tiyahin ni Oleksandr, “Officials in Russian-occupied Lugansk sent him to a state boarding school, similar to a children’s home, where they took away his documents and ‘psychologically pressured him to stop him leaving.’ Our situation seemed deadlocked.”
Si Oleksandr ay ipinadala sa boarding school, nang mamatay ang kaniyang ina at 21-anyos na kapatid matapos pagbabarilin ang kanilang sasakyan nang tangkaing tumakas mula sa Lugansk region noong July 2022.
Plano ng kaniyang tiyahin, na isama si Oleksandr sa kaniyang tinitirhan sa Zhytomyr malapit sa Kyiv.
Aniya, “We will celebrate and show him the city.”
Computer developer Sergiy collected his nephew Lev, 13, and neice Zhazmin, 10. They had lived with a distant relative in their home city of Russian-occupied Mariupol after their parents died / Roman PILIPEY / AFP
Mahigpit namang niyakap ng 36-anyos na computer developer mula sa Kyiv na si Sergiy ang kaniyang pamangking babae at lalaki, nang makita niya ang mga ito sa border.
Nang mamatay ang kanilang mga magulang, ang 13-anyos na si Lev at 10 taong gulang na si Zharmin, ay nanirahan sa isang malayong kamag-anak sa Mariupol na okupado ng mga Ruso.
Ang mga bata ay inilipat ng nasabing kamag-anak sa labas ng Moscow, makaraang maging marahas ang mga labanan sa Mariupol noong tagsibol ng 2022, bago muling bumalik sa lungsod.
Ayon kay Sergiy, walang plano ang naturang kamag-anak na alagaan ang mga bata, kaya sinubukan nitong dalhin ang mga ito sa isang state children’s home.
Aniya, noong una’y inakala niyang imposible na niyang makuha ang mga bata ngunit sinabi na ngayong nakuha na niya ang mga pamangkin ay masaya siyang maging tatay ng mga ito, dahil wala naman siyang mga anak.
Sinabi niya, “I will try to show them what it is like when they are needed and when someone can properly care of and support them.”
Two critically ill Ukrainian children were brought over the border in an ambulance and rushed to hospital / Roman PILIPEY / AFP
Sinalubong naman ng isang ina na ayaw magpakilala, ang 13-anyos niyang anak na lalaki matapos siyang bihagin at ikulong sa Mariupol.
Ayon kay Lubinets, “With an intermediary… we have new approaches, and you can see the result.. I had just returned from meeting Qatar’s prime minister to discuss the return of both children and civilians.”
Dagdag pa niya, “I can’t disclose the details publicly yet, but I will say that I saw the maximum interest for Qatar to take part in this.”
Sa kaniya namang panig ay sinabi ni Qatari ambassador Hadi Nasser Mansour Al-Hajri, na handa ang kanilang bansa na tumulong sa pagpapabalik ng mas marami pang tao.
Sinabi ng opisyal, “If there is a request from both sides, we will do it, we are eager to do it. We are open for any possibilities: bringing prisoners of war or political prisoners… and the kids, we are open for all these things.”
Simula pa noong July 2023, ay tumulong ang Qatar na mapabalik ang halos 30 mga bata.
Ayon sa ambassador, “We are almost the only country involved in the issue so we will continue.”