Labingpito patay sa flash floods sa Turkey
ISTANBUL, Turkey (AFP) – Umakyat na sa 17 ang bilang ng nasawi sa nangyaring flash floods sa ilang rehiyong sakop ng Black Sea.
Dumaranas ngayon ang Turkey ng tagtuyot at sunod-sunod na natural disasters, na sa paniwala ng mga siyentista ay nagiging mas madalas at matindi bunsod ng climate change.
Nagmistulang ilog ang mga kalsada sanhi ng bagyong tumama sa Balkans noong Martes, habang pininsala naman ng mudslides ang mga daan at sinira ang mga tulay, sa tatlong mabundok na rehiyon sa Black Sea coast ng Turkey.
Noong Miyerkoles, napilitan ang mga rescuers na ilikas ang 45 pasyente kung saan apat ay nasa intensive care unit, sa rehiyon sa paligid ng coastal city ng Sinop.
Ayon sa emergencies authority, higit isanglibong rescuers ang kumikilos sa rehiyon habang ang Turkish Red Crescent teams naman ang namamahagi ng food packages at hot meals.
Dose-dosena rin ang nakaranas ng power at mobile phone service disruptions, sanhi ng pagbagsak ng maraming linya ng kuryente.
Sa pagtaya ng weather bureau, patuloy pang mananalasa ang ulan sa mga apektadong lugar sa nalalabing araw ng linggong ito.
Nagpaabot naman ng pakikiramay si President Recep Tayyip Erdogan sa mga naulila ng 17 namatay.
Samantala, inihayag ng mga opisyal na lahat maliban sa tatlong halos 300 sunog na nananalasa sa Mediterranean at Aegean coasts mula pa noong July 28, ang nakontrol na.
Agence France-Presse