Labingpito patay sa sunog sa isang boarding school dormitory sa Kenya
Labingpitong kabataang lalaki ang namatay sa nangyaring sunog sa isang dormitoryo na kanilang tinutulugan, sa isang boarding school sa central Kenya.
Sinabi ni Phillip Gathogo, isang local resident, “We saw several children in there that had been burnt. I was just lucky to save one of them, but I heard that he later died. It was a very troubling and sad tragedy.”
Naganap ang sunog sa Hillside Endarasha Academy sa Nyeri, isang pangunahing boarding school para sa mga kabataang estudyante, mga 150 km (93 milya) mula sa kabisera ng Nairobi.
Ayon sa tagapagsalita ng gobyerno na si Isaac Mwaura, “The boys were in grades 4 to 8, putting their ages at about 9 to 13-years-old. The dormitory housed 156 students.”
Sinabi naman ng tagapagsalita ng pulisya na si Resila Onyango, “We have lost 17 pupils in the fire incident while 14 are injured.”
Ayon kay Vice President Rigathi Gachagua, “70 pupils remained unaccounted for, although some may have been taken home by their parents in the night.”
People gather at the Hillside Endarasha Academy, following a fatal fire which killed and injured several pupils, in Kieni, Nyeri County, Kenya, September 6, 2024. REUTERS/Monicah Mwang
Sa ulat ng Citizen Television, ang nasunog na mga biktima ay hindi na halos makilala. Ang sanhi ng sunog ay hindi pa agad matukoy.
Sa kaniya namang pagbisita sa paaralan ay sinabi ni Interior Minister Kithure Kindiki, “Many children managed to jump out and get to safety, but we do not know how many were successful. The government assures full accountability for all whose action or inaction contributed to this tremendous loss.”
Umapela rin siya sa mga lokal na residente, na kumandili sa mga survivor na ibalik ang mga ito sa eskuwelahan upang mabigyan ng medical help at counselling.
Inatasan na rin ni President William Ruto ang mga awtoridad upang imbestigahan ang aniya’y “kalunos-lunos na insidente,” at sinabing papananagutin ang mga responsable sa trahedya.
Samantala, kinordon na ng mga awtoridad ang eskuwelahan at nagtungo na rin doon ang crime scene investigators ayon sa Interior Ministry.
People gather outside the Hillside Endarasha Academy, following a fatal fire which killed and injured several pupils, in Kieni, Nyeri County, Kenya, September 6, 2024. REUTERS/Monicah Mwang
Ang paaralan ay may kabuuang 824 na mga estudyante na binubuo ng 422 mga babae at ang nalalabi ay pawang mga lalaki na.
Sa isang pahayag ay sinabi ni Bello Kipsang, Principal Secretary ng Education Ministry, na sa nabanggit na bilang, 160 mga babae ang boarders habang ang iba ay pawang day scholars.
Ang Kenya ay mayroong history ng school fires, na ang karamihan ay dahil sa arson o sadyang pagsunog.
Siyam na mga estudyante ang namatay sa sunog na nangyari sa isang paaralan sa Nairobi noong 2017, na iniuugnay ng gobyerno sa arson.
Noon namang 2001, 58 schoolboys ang namatay din sa sunog sa isang dormitoryo sa Kyanguli Secondary School sa labas ng Nairobi, at noong 2012, walong mag-aaral ang namatay sa isang paaralang nasunog sa Homa Bay County sa western Kenya.