Labingtatlo patay sa banggaan sa Mexico highway
Handout picture released by the Mexican Army showing the site of an accident on the Zaragoza- Hidalgo highway between a truck and a van with passengers where at least 13 people died and several were injured, in the state of Tamaulipas, Mexico, on May 14, 2023. (Photo by Handout / MEXICAN ARMY / AFP)
Hindi bababa sa 13 katao ang namatay nang magbanggaan sa isang highway sa northeastern Mexico, ang isang passenger van at isang semi-truck.
Ang mga sasakyan ay nagsalpukan sa isang kalsada sa gitna ng mga lungsod ng Zaragoza at Hidalgo sa border state ng Tamaulipas.
Sinabi ng Tamaulipas security officials, “Civil protection authorities are responding, and so far they are reporting 13 people deceased.”
Sa images na ibinahagi ng mga awtoridad ay makikita ang passenger van na halos lubusan nang tinupok ng sunog, habang grabe rin ang sunog na tinamo ng semi-truck.
Sinabi ng isang opisyal mula sa prosecutor’s office na ayaw magpakilala, na ang bilang ng mga biktima ay maaaring maragdagan pa, dahil may mga indikasyon na ang pamilya ng driver ng truck ay kasama niya at namatay din.
Ang mga naunang indikasyon ay nagsasabing ang truck driver ay maaaring tumakas.
Sa report ng local media, higit sa 20 katao ang maaaring nasawi sa banggaan at sa sunog na nagresulta mula rito, ngunit pinag-aaralan pa ng first responders ang sitwasyon sa pinangyarihan ng aksidente ayon sa opisyal mula sa prosecutor’s office.
Sa ulat pa rin ng local media, ang mga biktima ay maaaring miyembro lahat ng isang pamilya na nagrenta sa van para bumiyahe sa northern city ng Monterrey sa Veracruz.
Ang mga aksidente sa kalsada sa Mexico ay tumaas nitong nagdaang mga taon, na karaniwan ay dahil sa mabilis na pagpapatakbo, hindi magandang kondisyon ng sasakyan o driver fatigue.
Hiniling naman ng civil organizations ang pagpapatupad ng mas mahigpit na mga regulasyon upang mabawasan ang bilang ng mga aksidente.