Labor Day job fairs mag-aalok ng 64K local at overseas vacancies
Inanunsiyo ng Department of Labor (DOLE), na higit 64,000 local at overseas job vacancies ang i-aalok sa 24 na job fairs sa buong mundo bilang paggunita sa Labor Day sa Linggo, May 1.
Batay sa datos ng Bureau of Local Employment, 64,485 mga trabaho ang available sa job fairs — 52,237 ay para sa local employment at 12,248 naman ay para sa trabaho sa abroad.
Ang limang nangungunang bakante ay para sa production operator/machine operator, customer service representative, collection specialist, retail/sales agent/promodiser, at market research interviewer.
Ang nangunguna namang mga industriya na nago-offer ng trabaho ay mula sa manufacturing, business process outsourcing at retail/sales.
Samantala, ang nangungunang job vacancies abroad ay para sa nurse/nurse aide, waiter/waitress/food server, household service worker, kitchen helper/assistant cook, at salesperson.
Ang overseas destinations ay sa Middle East (Kingdom of Saudi Arabia, United Arab Emirates, Qatar, and Kuwait); Europe (Germany, Poland, and United Kingdom); and Asia (Japan, Taiwan, at Singapore).
Ang main event ng Labor Day celebration ay gaganapin sa Kingsborough International Convention Center sa lungsod ng San Fernando, Pampanga, habang ang event sa National Capital Region ay idaraos naman sa Arroceros Forest Park malapit sa Manila city hall. Ang Parañaque City hall grounds naman ang gagamiting venue para sa May 4 job fairs.
Ang iba pang job fair venues sa May 1 ay ang mga sumusunod:
Baguio Convention Center
Magic Mall, Urdaneta City, Pangasinan
Tagudin Farmers Center, Ilocos Sur
Robinsons Place, San Nicolas, Ilocos Norte
Robinsons Place Santiago, Isabela
St. Thomas Academy Gymnasium, Sto. Tomas, Batangas
Vista Mall, Dasmariñas, Cavite
Camp Vicente Lim, Calamba, Laguna
Pacific Mall, Lucena City
Ynares Event Center, Antipolo City, Rizal
Robinsons Place, Puerto Princesa City, Palawan
Robinson Place Naga, Camarines Sur
SM City, Iloilo City
SM City, Cebu
Lamberto Macias Sports Complex, Capitol Area, Dumaguete City
Robinsons North, Tacloban City
KCC Mall de Zamboanga, Zamboanga City
NCCC Victoria, Davao City
KCC Mall, Marbel, Koronadal City at
Robinson Place, Butuan City.
Ang job and business fairs naman sa Region 10 sa University of Science and Technology of Southern Philippines, sa Cagayan De Oro ay gaganapin sa Huwebes, April 28, 2022.