Labor group, humirit ng ₱500 monthly subsidy

Humirit ang Associated Labor Union Trade Union Congress of the Philippines  o ALU-TUCP ng ₱500 na monthly subsidy  para  sa mga minimum wage earner sa bansa.

Ito ay dahil halos lahat ng mga sahod nila ay napupunta sa mga bayarin sa kuryente at tubig.

Ayon kay Alan Tanjusay, tagapagsalita ng ALU-TUCP, maituturing lamang  itong isang maliit na tulong sa mga manggagawa.

Umaasa naman ang grupo na mapag-aaralan ng gobyerno ang kanilang kahilingan.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *