Lakbay Alalay program, muling bubuhayin ng DPWH para sa Undas
Muling bubuhayin ng DPWH ang Lakbay Alalay Program nito para sa nalalapit na Undas ng mga Katoliko.
Ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar, magsisimula ito sa October 31, 2018 ng ala siyete ng umaga at magtatagal hanggang November 4, 2018 ng alas dose ng tanghali.
Ang mga DPWH assistance centers ay ilalagay sa mga pangunahing lansangan at tulay.
Ang DPWH Lakbay Alalay teams ay bubuuin ng anchorman mula sa mga regional at district o city offices ng kagawaran at mga mekaniko.
Mayroon ang mga ito na nakahandang equipment at service vehicles na naka-standby sa mga strategic location para sa agarang ayuda sa mga motorista at pedestrian.
Inatasan na rin ng kalihim ang mga DPWH maintenance teams na magsagawa ng clearing operations sa mga national highways partikular sa mga daan patungo sa mga pampubliko at pribadong sementeryo para matiyak na ligtas at naialis na ang anumang harang gaya ng mga illegally-parked vehicles at vendors at mayroong ilaw at warning signs sa daan.