Laki ng kinita sa James Bond auction hindi inaasahan
Umabot sa £6.9 million ($7.8 million) ang kinita ng isang James Bond auction for charity sa London na kinatatampukan ng Aston Martin cars, mga suit at wristwatch ng fictional superspy.
Ang two-part sale na isinagawa ng Christie’s auction house at EON Productions bilang paggunita sa ika-60 taon mula nang ipalabas ang unang James Bond film na “Dr. No” ay natapos noong Miyerkoles, na siya ring opisyal na James Bond Day.
Ang auction ay kinatampukan ng lahat ng 25 pelikula sa 007 saga, gaya ng props, posters, memorabilia, at maging ng mga sasakyan, relo at costumes.
Sa live auction, ang replica ng isang Aston Martin DB5 na ginamit para sa stunts ng 2021 blockbuster na “No Time to Die,” ay nabili ng halos £3 million.
Ang online sale naman ay nagdagdag pa ng £771,000 sa kabuuang sale, kung saan top earners ang isang pirmadong script ng 2006 “Casino Royal” (£69,3000), at isang suit na isinuot ng outgoing Bond actor na si James Craig sa 2012 “Skyfall” film (£44,100).
Naipagbili naman sa halagang £60,480 ang isang menu kung saan umorder si Bond ng caviar mula sa pagkapanalo sa isang card game laban sa supervillain na si “Largo,” sa isang Bahamas casino sa 1965 007 film na “Thunderball.”
Ang mga pinagbentahan ay napunta sa iba’t ibang charities, gaya ng BAFTA, British Red Cross, Medecins Sans Frontieres, National Youth Theatre, Refugee Action at The Prince’s Trust.
Ayon kina Michael G. Wilson at Barbara Broccoli, producers sa EON Productions,“We are delighted with the extraordinary success of the Christie’s sale which benefits over 45 charities who do incredibly important work.”
Ayon naman kay Adrian Hume-Sayer, director at head of sale ng Christie’s, “The sale result was testament to the enduring appeal of one of film’s greatest and best loved icons. This is the fourth and by far the largest official James Bond charity auction on which Christie’s has been privileged to collaborate with EON Productions, we are thrilled that the money raised will benefit so many.”
Pahayag ng auction house, ang kinita sa nasabing sale ay lumampas pa sa pinagsamang kabuuan ng lahat ng naunang tatlong official Christie’s 007 sales.
© Agence France-Presse