Lalakeng 5’1 at babaeng 4’9 ang height, pwede nang mag-pulis
Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11549 o ang PNP, BFP, BJMP, and BuCor Height Equality Act.
Sa ilalim ng batas na ito, pwede nang maging pulis, bumbero, o jail guard ang mga lalake na ang height ay 5’1 lamang.
Inaamyendahan nito ang mga naunang batas na nagtatakda ng minimum height requirement na 5’3 para sa mga lalake, at 5’1 para sa mga babaeng nagnanais maging tauhan ng PNP, BFP, BJMP at BuCor.
Sa bagong batas, ang minimum height requirement para sa mga kababaihan ay ibinababa na sa 4’9.
Please follow and like us: