Lalaki sa Venezuela na itinakda ng Guinness na pinakamatanda sa buong mundo, pumanaw na sa edad na 114
Pumanaw na nitong Martes si Juan Vicente Perez Mora, isang Venezuelan na sertipikado ng Guinness World Records noong 2022 na pinakamatanda sa buong mundo, sa edad na 114.
Sinabi ni Venezuelan President Nicolas Maduro, “Juan Vicente Perez Mora has transcended into eternity at 114 years of age.”
Ayon sa Guinness, si Perez ay opisyal na kinumpirma bilang pinakamatandang lalaking nabubuhay noong February 4, 2022, nang siya ay 112 taon at 253 araw ang gulang.
Ama ng 11, hanggang noong 2022, siya ay mayroong 41 mga apo, 18 apo sa tuhod at 12 apo sa talampakan.
Ang magsasaka na kilala bilang Tio Vicente ay isinilang sa bayan ng El Cobre, sa Andean state ng Tachira noong May 27, 1909, at pang-siyam sa sampung magkakapatid.
Sa isang pahayag ng Guinness noong 2022, “At the age of five years old, he started working with his dad and brothers in agriculture and assisted with sugar cane and coffee harvesting.”
Si Perez ay naging sheriff at responsable sa pagresolba ng mga alitang pampamilya at tungkol sa lupa, habang namamalaging isang agricultural worker.