Lalaking nang-hack sa gasoline account ng isang malaking baking company, arestado ng NBI sa Pasig
Nahaharap sa patung-patong na reklamo kabilang na ang cybercrime complaint, ang isang lalaki matapos na iligal na i-access ang gasoline account ng isang kumpanya ng tinapay para iligal na makabili ng nasa 14 milyong pisong halaga ng produktong petrolyo.
Hawak na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang suspek sa pag-hack sa gasoline account ng Gardenia Bakeries Philippines.
Ayon sa NBI, ang suspek ay nakilalang si Gurdeepo Parmar alyas Gary.
Inaresto si alyas Gary sa bisa ng search warrant na isinilbi ng NBI- Counter Intelligence Division sa bahay nito sa Pasig City.
Nag-ugat ang reklamo ng kumpanya sa paglobo ng halaga ng babayaran nitong gasolina sa kanilang Shell Fleet Hub account na mahigit P14.47 milyon.
Sinabi ni NBI Counter Intelligence Division supervising agent Francis Senora, “The complaint center around the unusual amt of gasoline purchase that happened around jan 13 until feb 12 this year during the investigation we have confirmed there was already a compromise of the account this is by investigating the ip address that we have noted that have been accessing the account.”
Ipinaliwanag ng NBI na nakita nila na bukod sa official log in access ng food company sa gas account, ay may iba pang mga access na nakita sa sistema kung saan nabago nila ang maraming parametro gaya ng dami ng binibiling gasolina ng kumpanya at recipient.
Sabi pa ni Senora, “It seems there was an old email that was compromised that was linked to this gardenia fleet hub account during access the perpetrator were able to modify alot of things inside the system [jump to] since they were able to access the account namodify nila we have noted that theres a purchase of gasoline of more than 1000 liters sometime may 5000 or more pa within a few hours.”
Batay pa sa imbestigasyon, may kasabwat ang suspek na siyang kumukuha ng biniling gas at diesel at ibebenta ito sa mas murang halaga.
Sa ginawang pagsalakay sa bahay ng suspek ay nakumpiska ng NBI ang ilang electronic devices, pekeng IDs at drug paraphernalia.
Bukod sa reklamong computer-related fraud, inireklamo rin si alyas Gary ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Law at Falsification at used of falsified documents.
Ayon kay NBI Director JaiME Santiago, “Sinubject namin siya sa drug examination. He was found positive using drug. Also identification cards were found in his possession, peke rin. We also charge him for violation 172 falsification.”
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng NBI sa kaso kabilang ang account ng isang kumpanya na posibleng na-access ng suspek.
Tiniyak naman ng NBI na kakasuhan din nila ang mga personalidad na kumukuha at nagbebenta ng gasolina na iligal na nabili gamit ang account ng bread company.
Moira Encina