Lalaking taga Texas na nasa likod ng New Orleans attack, walang mga kasabwat ayon sa FBI

A police officer enters a vehicle, after people were killed by a man driving a truck in an attack during New Year's celebrations, in New Orleans, Louisiana, U.S., January 2, 2025. REUTERS/Eduardo Munoz

Nagpahayag ng suporta sa Islamic State group ang isang U.S. Army veteran, na umararo sa mga taong nagdiriwang ng bagong taon sa New Orleans lulan ng isang trak na ikinamatay ng hindi bababa sa 14 katao.

Ayon sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang lalaki ay walang kasabwat o nag-iisa lang sa paggawa ng krimen.

Ang suspek ayon sa FBI ay nabarail patay makaraang nitong paputukan ang mga pulis, ay nakilalang si Shamsud-Din Jabbar, isang 42-anyos na Texan na dating nagsilbi sa Afghanistan.

Nagmaneho siya mula Houston hanggang New Orleans noong Dec. 31. Sa umaga nang mangyari ang pag-atake, sa pagitan ng 1:29 at 3:02 ng umaga, ay nagpost siya ng limang videos sa Facebook kung saan nagpahayag siya ng suporta sa IS group, ang Islamic militant organization na may mga fighter sa Iraq at Syria.

Sinabi ni FBI Deputy Assistant Director Christopher Raia, sa kaniyang unang video, sinabi ni Jabbar na una niyang pinlanong saktan ang kaniyang pamilya at mga kaibigan, ngunit nag-alala na ang media coverage ay hindi magpokus sa aniya’y “war between the believers and the disbelievers.”

Sinabi rin ni Jabbar sa mga videos na umanib siya sa IS group bago ang tag-init at nagbigay ng kaniyang last will and testament.

Ayon kay Raia, “This was an act of terrorism. It was premeditated and an evil act.”

Iniimbestigahan pa rin ng FBI ang “path to radicalization,” ni Jabbar, ngunit batay sa narepasong mga ebidensiya, malinaw na “na-inspire” siya ng IS group.

Sa isang briefing na ibinigay sa mga mambabatas ni David Scott, isang assistant director sa counterterrorism division ng FBI, wala si Jabbar sa alinmang government watch list at wala ring nakitang ebidensiya ang kawanihan na siya ay inatasan ng sinumang dayunang induibidwal o alinmang dayuhang grupo.

Sabi pa ni Raia, “Surveillance video footage showed Jabbar placing two improvised explosive devices in coolers a few hours before the attack at intersections around Bourbon Street, the popular New Orleans tourist destination where the attack unfolded. They were both rendered safe at the scene.”

Sa video ay makikita ang ilang tao na tumitingin sa coolers, na pinaniniwalaan ng mga imbestigador na curious passers-by, at hindi kasabwat.

Dagdag pa ng FBI, lumilitaw na wala ring kaugnayan ang pag-atake sa New Orleans at ang insidente sa Las Vegas sa kaparehong araw kung saan isang rented Tesla Cybertruck na may lamang gasoline canisters at malaking firework mortars ang sumabog at nagliyan sa labas ng Trump International Hotel sa Las Vegas.

Ang driver ng Tesla, na isang aktibong sundalo ng U.S. Army, ay nagbaril sa sarili at namatay ilang sandali bago ang pagsabog, ayon sa Las Vegas police.

Police officers stand guard, after people were killed by a man driving a truck in an attack during New Year’s celebrations, in New Orleans, Louisiana, U.S., January 2, 2025. REUTERS/Eduardo Munoz

Kabilang sa mga nasaktan sa New Orleans ay dalawang pulis, na nasugatan sa pagpapaputok ng baril ng suspek, sa pag-atakeng nangyari halos tatlong oras na lamang bago ang bagong taon sa makasaysayang French Quarter.

Hindi bababa sa 14 katao at ang mismong suspek ang namatay, habang 35 pa ang nasaktan ayon sa FBI.

Kasama sa mga biktima ay isang ina ng apat na taong gulang na bata na kalilipat pa lamang sa isang bagong apartment makaraang ma-promote sa trabaho, isang New York financial employee at accomplished student-athlete na umuwi para sa holidays, at isang 18-year-old aspiring nurse mula sa Mississippi.

Sa ginawang assessment ng Louisiana at New Orleans law enforcement officials noong December, walang nasumpungang “credible threat” sa mga kaganapan sa siyudad kaugnay ng pagsablubong sa bagong taon.

Sinabi naman ng mga awtoridad sa iba pang siyudad sa U.S. na pinaigting nila ang seguridad, kabilang na ang sa Trump Tower at Times Square sa New York City, at sinabing wala namang “immediate threats.”

Sa Washington, ay dinagdagan din ng pulisya ang kanilang presensiya habang naghahanda ang kapitolyo sa pagho-host sa tatlong malalaking kaganapan: Ang Jan. 6 certification ng kongreso sa pagkapanalo ni Trump sa presedential election, ang Jan. 9 state funeral ni dating President Jimmy Carter, at ang inagurasyon ni Trump sa Jan. 20.

Ayon sa FBI, isang IS group flag ang natagpuan sa trailer hitch ng rented truck na ginamit sa New Orleans attack.

Samantala, iniimbestigahan din ng federal authorities ang isang sunog na sumiklab sa isang upahang bahay sa St. Roch neighborhood ng New Orleans. Si Jabbar ay pinaniniwalaang namamalagi sa nabanggit na address, at sinusuri ng mga imbestigador ang dalawang laptops na natagpuan doon na iniuugnay sa kaniya.

Sinabi ni Joshua Jackson, isang special agent sa Bureau of Alcohol, Tobacco, Firearms and Explosives, na sinusuri rin nila ang tatlong cellphones na konektado kay Jabbar.

Aniya, lumilitaw na ang nagsimula ang sunog matapos mapatay si Jabbar was killed, ngunit sinisiyasat ng mga opisyal kung ang sunog ba ay pinasimulan gamit ang isang device na nakakonekta sa isang timer.

Batay sa public records, si Jabbar ay ipinanganak sa Beaumont, isang siyudad na nasa 80 milya (130 kilometro) silangan ng Houston, kung saan siya nagtatrabaho sa real estate.

Si Jabbar ay nasa U.S. Army simula March 2007 hanggang January 2015, pagkatapos ay naging bahagi naman ng Army Reserve mula January 2015 hanggang July 2020, ayon sa isang Army spokesperson.

Siya ay idineploy sa Afghanistan mula February 2009 hanggang January 2010, at nagkaroon ng ranggong staff sergeant sa pagtatapos ng kaniyang serbisyo.

Sinabi ng mga eksperto, “The IS group is a Muslim militant group that once imposed a reign of violence over millions of people in Iraq and Syria until it collapsed following a sustained military campaign by a U.S.-led coalition. Even as it has been weakened in the field, the group has continued to recruit sympathizers online.’

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *