Land borders bubuksan na ng US sa Nobyembre para sa vaccinated travelers
Bubuksan na ng Estados Unidos ang kanilang land borders sa Mexico at Canada sa mga unang bahagi ng Nobyembre, para sa non-essential travelers na kumpleto na ang bakuna laban sa Covid-19.
Ayon sa isang senior White House official . . . “The administration would give the precise date very soon, both for land crossings as well as international air travel, which would be timed to go together.”
Una nang inanunsiyo ng US noong Setyembre, na aalisin na nito sa Nobyembre ang travel ban para sa lahat ng fully vaccinated air passengers na sasailalim sa testing at contact tracing.
Ayon sa White House source, ang reopening ng land border ay magkakaroon ng dalawang phase.
Sa una, requirement ang full vaccination para sa “non-essential” trips gaya ng pagbisita sa pamilya, o turismo bagama’t ang unvaccinated travelers ay papayagan pa ring makapasok sa bansa kung “essential trips” gaya ng sa nakalipas na isa’t kalahating taon.
Sa second phase na sisimulan sa unang bahagi ng Enero ng susunod na taon, lahat ng bibisita sa US ay dapat fully vaccinated na anoman ang dahilan ng kanilang biyahe.
Ayon sa naturang opisyal . . . “This phased approach will provide ample time for essential travelers such as truckers or others to get vaccinated, enabling a smooth transition to the new system.”
Aniya, sa bagong schedule nangangahulugan na ang land border restrictions na dapat ay mag-e-expire na sa October 21, ay palalawigin pa bago ang pagpapatupad ng bagong tuntunin.