Late Chief Justice Cesar Bengzon na unang Pinoy na ICJ judge, binigyang pugay ng PH Embassy sa the Netherlands
Pinasinayaan ng Embahada ng Pilipinas sa the Netherlands ang ICJ Judge Cesar Bengzon Hall.
Ito ay bilang pagkilala sa kauna-unahan at nag-iisang Pilipinong hukom ng International Court of Justice (ICJ) na si late Chief Justice
Cesar Bengzon.
Isang special sitting room ang inilaan sa ground floor ng bagong renovate na Chancery ng embahada para sa Pinoy justice.
Sa video message ni Chief Justice Alexander Gesmundo, sinabi nito na ang pagkakatalaga noon ni Bengzon sa ICJ ay nagbigay daan para sa mga Pilipinong abogado at hukom na pumasok sa practice ng international law at international tribunals.
Ipinakita rin aniya ni Bengzon sa international legal community na ang Pinoy jurists ay world-class.
Si Bengzon ay nagsimula bilang law clerk hanggang sa maitalaga bilang punong mahistrado.
Naging kalihim din siya ng DOJ at Solicitor General.
Nagsilbi naman siyang ICJ judge mula 1967 hanggang 1976.
Kasabay din na binigyang pugay ni Gesmundo at ng embahada ang dalawa pang Pilipino na nahirang sa international tribunals na sina late Supreme Court Associate Justice Florentino Feliciano at dating UP College of Law Dean Raul Pangalangan.
Moira Encina