Latest Omicron sub-variant na tinawag na BA.2, na-detect sa Britanya at 40 iba pang mga bansa
Mahigpit ngayong binabantayan ng mga siyentista ang kadi-diskubre pa lamang na sub-variant ng Omicron version ng COVID-19, para malaman kung paanong maaapektuhan ng paglitaw nito ang pagkalat ng pandemya sa hinaharap.
Ang inisyal na Omicron variant ang naging dominanteng strain nitong mga nakalipas na buwan, nguni’t natukoy ng British health authorities ang daan-daang kaso ng latest version na tinawag na BA.2, habang iminumungkahi naman ng international data na maaaring kumalat ito ng mabilis.
Natukoy ng UK Health Security Agency (UKHSA) ang higit 400 mga kaso sa Britanya sa unang 10 araw ng buwang kasalukuyan, at may indikasyon na ang latest variant ay na-detect sa may 40 iba pang mga bansa na kumakatawan para sa majority ng karamihan sa latest cases sa ilang bansa gaya ng India, Denmark at Sweden.
Ayon sa UKHSA, inilagay nila ang BA.2 sub-lineage sa variant under investigation (VUI), habang tumataas ang mga kaso nito, bagama’t sa Britanya, ang BA.1 lineage ang kasalukuyan at namamalaging dominanteng variant.
Pahayag ng mga awtoridad . . . “There is still uncertainty around the significance of the changes to the rival genome, which required surveillance as, in parallel, cases in recent days showed a sharp rise in BA.2 incidence notably in India and Denmark.”
Ayon kay French epidemiologist Antoine Flahault . . . “What surprised us is the rapidity with which this sub-variant, which has been circulating to a great extent in Asia, has taken hold in Denmark.”
Hindi pa ibinibilang na variant of concern ang BA.2, pero sinabi ni Flahault na kailangang maging alerto ng mga bansa sa latest development habang pinaiigting ng mga siyentista ang kanilang surveillance.
Ayon pa kay Flahault . . . “France expected a spike in contaminations in mid-January. It didn’t happen and perhaps that is due to this sub-variant, which seems very transmissible but not more virulent that BA.1.”
Sinabi naman ng public health agency ng France . . . “What interests us is if this (subvariant) possesses different characteristics from BA.1 in terms of contagiousness and severity.”
Ani Flahault, direktor ng Institute of Global Health ng University of Geneva, hindi sila nagpapanic nguni’t nagbabantay dahil sa ngayon may impresyon sila na ang BA.2 case severity ay maikukumpara sa classic variant Omicron cases.
Subali’t marami aniyang katanungan at nangangailangan na i-monitor ang properties ng bagong variant.
Nakasaad naman sa tweet ni Tom Peacock, isang virologist sa Imperial College sa London . . . “Very early observations from India and Denmark suggests there is no dramatic difference in severity compared to BA.1. The latest variant should not call into question the effectiveness of existing vaccines. We do not currently have a strong handle on how much more transmissibility BA.2 might have over BA.1. However, we can make some guesses/early observations.”
Dagdag pa ni Peacock, malamang na may kakaunti lamang na pagkakaiba sa bisa ng bakuna laban sa BA.1 at BA.2. Hindi aniya sya sigurado na ang BA.2 ay magkakaroon ng “substantial impact” sa kasalukuyang Omicron wave ng pandemya.