Latest Spider-Man, nanguna sa takilya nitong weekend
Ang animated version ng Spider-Man na nagtatampok sa mga boses nina Shameik Moore, Haille Steinfeld at Issa Rae ay kumita ng $120 milyon para sa Friday-through-Sunday period sa North American box office, at $88 milyon pa sa buong mundo.
Ayon sa isang analyst, “This is an exceptionally good opening for an animation follow-up sequel, the sequel has an ‘entirely fresh’ look and is an example of ‘inspired commercial’ filmmaking.”
Ang pelikula ay tungkol sa half-Black, half-Latino na si Miles Morales, gamit ang isang naka-aakit na timpla ng decades-old 2D comic book drawing techniques, na sinamahan ng pinakabagong computer-generated visual effects.
Pinatalsik sa trono ng Spidey ang live-action version ng “The Little Mermaid” ng Disney, na kumita rin ng kaparehong halaga sa una nitong pagpapalabas sa nagdaang weekend, na ngayong weekend naman ay kumita na lamang ng $40.6 million.
Ang remake ng 1989 animated tale ng isang underwater princess na ipinagpalit ang kaniyang tinig sa paghahangad ng tunay na pag-ibig, ay kinatatampukan ng pop singer na si Halle Bailey, Jonah Hauer-King bilang Prinsipe Eric, at Melissa McCarthy bilang kontrabida na si Ursula.
Ang “The Boogeyman” ay nag-debut naman sa ikatlong puwesto na kumita ng $12.3 million. Ang 20th Century Studios horror/mystery feature ay ang pinakabago sa mahaba nang linya ng mga pelikulang halaw sa isang librong isinulat ni Stephen King.
Bumagsak ng isang puwesto at napunta sa pang-apat, ang “Guardians of the Galaxy Vol. 3” ng Disney, na nagdagdag ng $10 million sa cumulative worldwide total nito na nasa $780 million.
Nakuha naman ng action film ng Universal na “Fast X,” na bahagi ng “Fast & Furious” franchise, ang ika-limang puwesto, sa kitang $9.2 million.
Narito naman ang kukumpleto sa top 10 were:
“The Super Mario Bros Movie” ($3.3 million)
“About My Father” ($2.1 million)
“The Machine” ($1.7 million)
“You Hurt My Feelings” ($770,000)
“Kandahar” ($765,000)
© Agence France-Presse