Launching Activity ng PinasLakas Campaign sa First 100 Days Presidential Directives, isinagawa sa Las Piñas Elementary School Central Division Office
Inilunsad na ang Synchronized Vaccination sa mga paaralan sa lungsod ng Las Piñas, simula August 15, 2022 upang palakasin ang pagbabakuna kontra COVID-19.
Ang PinasLakas Campaign ay naglalayong mabigyan ng kumpletong bakuna ang lahat ng mga mamamayan upang makaiwas sa sakit na COVID-19.
Target ng programang ito na mabakunahan ang lahat ng nasa edad 11-15 anyos at mabigyan ng booster shot ang nasa edad 12-17 anyos bago ang face-to-face classes ng mga mag-aaral.
Ito ay isasagawa sa anim na paaralang pang-elementarya na nasasakupan ng lungsod, pangunahin sa Las Piñas Elementary School Central.
Ayon kay Ms. Alelee Aguilar-Andanar, ang lokal na pamahalaang lungsod ng Las Piñas ay patuloy ang pagsuporta sa programa ng National government ukol sa paglaban sa COVID-19
Hinikayat naman ni Dra. Eleanor S. Gumpal, National Immunization program coordinator, ang mga Las Piñeros na makiisa sa sama-samang paglaban sa COVID-19 at tiyaking kumpleto ang kanilang bakuna.
George Gonzaga