Lavrov ng Russia nakipagkita kay Lula ng Brazil
Nakipagkita ang Russian foreign minister kay Brazilian President Luiz Inacio Lula da Silva sa Brazil, habang binatikos naman ng Washington ang naging pahayag ng South American leader tungkol sa pagbibigay ng defense support ng US sa Ukraine.
Kagagaling lamang ni Lula sa biyahe sa China at sa United Arab Emirates, kung saan marami ang nagtaas ng kilay sa Kanluran nang akusahan niya ang Estados Unidos na “pinalalala nito ang giyera” sa Ukraine.
Sinabi pa ni Lula, “The United States and Europe ‘need to start talking about peace’, and Kyiv shares the blame for the conflict.”
Pinasalamatan naman ng Russian top diplomat na si Sergei Lavrov si Lula, para sa kaniyang alok na mamagitan sa usapang pangkapayapaan sa 14 na buwan nang giyera.
Subalit ang pagbisita at ang pahayag ni Lula ay naresulta sa pagbatikos mula sa White House, na siyang nanguna sa pagsuporta sa Ukraine.
Sinabi ni US National Security Council spokesman John Kirby sa mga mamamahayag, “In this case, Brazil is parroting Russian and Chinese propaganda without at all looking at the facts.”
Sinagot naman ito ni Brazilian Foreign Minister Mauro Vieira na nagsabi, “I don’t know how or why he reached that conclusion but I do not agree at all.”
Ang pagbisita ni Lula sa China at UAE, na na-postpone dahil sa pneumonia ay nangyari makaraan niyang makipagpulong kay US President Joe Biden noon Pebrero.
Ang Brazil ay hindi sumama sa mga bansang kanluranin sa pagpapataw ng sanctions sa Russia sa ginawa nitong paglusob, at tumanggi sa mga kahilingan na magbigay ng ammunition sa Ukraine.
Bago ang biyahe, nagpanukala si Lula ng pagbuo ng isang grupo ng mga bansa na mamamagitan sa giyera, at sinabing tatalakayin niya iyon sa Beijing.
Pagkatapos makipagpulong sa kaniyang Brazilian counterpart, ay sinabi ni Lavrov, “We are grateful to our Brazilian friends for their clear understanding of the genesis of the situation (in Ukraine). We are grateful for their desire to contribute to finding ways of settling this situation. We are interested in resolving the conflict as soon as possible.”
Ngunit idinagdag nito na anumang solusyon ay dapat na nakabatay sa “multipolarity,” at inakusahan ang West ng “tangkang pagdomina sa international arena.”
Ang biyahe ni Lavrov sa Brazil ay pagkatapos ng pagkikita ng top foreign policy adviser ni Lula na si Celso Amorim at ni Russian President Vladimir Putin sa Kremlin noong Marso, upang pag-usapan ang pagbubukas ng usapang pangkapayapaan.
Ang Brazil ang unang bansang pinuntahan ni Lavrov para sa isang linggo niyang pagbisita sa mga bansa sa Latin America, na kabibilangan ng Venezuela, Nicaragua at Cuba — mga bansa na ang maka-kaliwang mga gobyerno ay may hindi magandang relasyon sa Estados Unidos.
Sinabi ni Lavrov at Vieira na ang kanilang pag-uusap ay natuon din sa enerhiya at kalakalan.
Nasa 1/3 ng agricultural powerhouse fertilizer imports ng Brazil ay galing sa Russia, habang ang dalawang bansa ay nagkaroon din ng isang record $9.8 billion bilateral trade noong isang taon.
© Agence France-Presse