Leadership style ni PBBM dapat tularan ng Vietnamese leaders
Pinuri ng Pangulo ng Vietnam si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos makapagtala ng mataas na Economic growth rate ang Pilipinas sa kabila ng kinakaharap na global challenges.
Partikular na pinuri ni Vietnam President Vo Van Thoung ang Socio-economic, foreign policies, security at defense achievement ng bansa sa ilalim ng liderato ni PBBM.
Ayon naman kay Vietnam Prime Minister Pham Minh Chinh, nais nilang makakuha ng kaalaman mula sa economic strategy ni Pangulong Marcos.
Dapat din umanong tularan ng Vietnamese leaders ang leadership style nito.
Nakipagpulong si Pangulong Marcos kay Prime Minister Pham matapos ang pulong nila ni Vietnam President Thoung.
Tiniyak naman ni Pham ang mas malalim na koneksyon sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam pagdating sa trade at investment.
Ayon naman kay National Assembly Chairman Vuong Dinh Hue nagkaroon ng malaking pagbabago sa ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ng Marcos administeation.
Lumago ang ekonomiya ng bansa ng 5.6 percent year-on-year sa fourth quarter ng taong 2023.
Sa mga bansa sa Asya na naglabas na ng kanilang 4th Quarter GDP growth, pumapangalawa ang Pilipinas kasunod ng Vietnam (6.7%).
Madelyn Villar – Moratillo