Lebel ng tubig sa Angat Dam, bahagyang bumaba ngayong araw…La Mesa dam nanatili sa kaniyang lebel
Bumaba ng .39 meters ang lebel ng tubig sa Angat dam.
Sa panayam ng Radyo Agila, sinabi ni Jean Niavarez, Pag-Asa Hydrologist, hanggang alas-6:00 kaninang umaga, nasa 176.10 meters ang Angat dam.
Samantala, wala namang pagbabago ang lebel ng tubig sa La Mesa dam na nasa 68.45 meters sa ngayon.
Bahagya namang tumaas ng .10 meters ang Ambuklao dam na nasa 740.42 meters ngayong araw habang ang Ipo dam naman ay nasa 101 meters.
566.82 meters naman ang naitala ngayong araw sa Binga dam habang bumaba naman .47 meters ang San Roque dam.
Bahagya namang tumaas ang lebel ng tubig sa Pantabangan at Magat dam.
Sinabi pa ni Niavarez na nakatutulong na ng kaunti ang mga nararanasang kaunting mga pag-ulan sa mga water shed ng mga dam.
Umaasa rin ang Pag-asa na makatutulong din ang mga Cloud seeding activities sa mga dam.
“Ang ating mga cloud seeding ay hopefully makatulong sa buong water shed ng Angat dam. Minsan kasi napaka-challenging ang aktibidad na ito dahil hindi lahat ng ulan ay tumatama sa dam. Pero at least, may mga pag-ulan”.- Jean Niavarez, Pag-Asa Hydologist