LeBron at Giannis, magiging captain ng NBA All-Star teams
Ang superstar ng Los Angeles Lakers na si LeBron James at si Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks, ang magiging kapitan ng NBA All-Star Game teams sa susunod na buwan, makaraan ang final voting.
Ang four-time NBA champion na si James, na may average na 29.9 points, 8.5 rebounds at 7.0 assists ngayong season, ang top vote-getter mula sa Westen Conference.
Kasama ni James sa mga starter na pinagpilian mula sa Western Conference ang New Orleans Pelicans forward na si Zion Williamson, Denver Nuggets center na si Nikola Jokic, Golden State Warriors guard na si Stephen Curry at Dallas Mavericks guard na si Luka Doncic.
Samantala, ang two-time NBA Most Valuable Player naman na si Antetokounmpo, ay magiging kapitan sa ikatlong pagkakataon ng kaniyang basketball career, kung saan namuno na rin sya sa isang team noong 2019 at 2020.
Ang iba pang starters mula sa East Conference, ay ang Brooklyn Nets forward na si Kevin Durant at teammate niyang si Kyrie Irving, Boston Celtics forward na si Jayson Tatum at Cleveland Cavaliers guard na si Donovan Mitchell.
Ang fan voting ay kumakatawan para sa 50 percent ng botohan, kasama ang boto mula sa NBA players at isang media panel na bawat isa ay kumakatawan sa 25 percent ng boto.
Ang All-Star reserves, na pipiliin ng NBA coaches, ay i-aanunsiyo sa susunod na linggo, habang pipili naman ang mga kapitan ng magiging team nila bago magsimula ang laro.
© Agence France-Presse