LeBron at Stephen Curry, nangunguna sa NBA superstars na nais maglaro sa Paris Olympics
Kabilang ang NBA superstars na sina LeBron James at Stephen Curry, sa ilang pangunahing manlalaro ng NBA na interesadong maglaro para sa Estados Unidos sa Paris Olympics sa 2024.
Ayon sa report, ang two-time Olympic champion at four-time NBA champion na si James ay nagre-recruit na ng kapwa niya NBA stars para sa isang US squad, na tatangkaing makuha sa ika-limang pagkakataon ang gintong medalya sa France sa susunod na taon.
Si Curry naman na four-time NBA champion guard kasama ng Golden State Warriors, ay napaulat na nagpahayag ng hangaring maglaro sa Olympic squad sa pamamahala ng Warriors coach na si Steve Kerr.
Ang balita ay dumating isang araw makaraang lisanin ng US team na binubuo ng mahigit 20 NBA stars ang Fiba World Cup, kasunod ng tinamong mga pagkatalo sa bronze medal game laban sa Canada, at semifinal laban sa Germany, na siyang itinanghal na kampeon.
Pinangunahan ng 38-anyos na forward na si James ang USA, nang makakuha ito ng Olympic gold noong 2008 sa Beijing at noong 2012 sa London ngunit hindi na naglaro pa sa Olympics mula noon.
Alam ni James ang sakit ng pagkatalo, dahil naging reserba siya sa 2004 US squad na bronze lamang ang nakuha, at sa Athens Olympics at sa isang 2006 team na bronze lamang din ang nakuha sa Fiba World Cup.
Si James ay hindi lamang interesado sa paglalaro para sa Paris Olympic gold, kundi hinikayat din ang mga gaya niya ay dating NBA Most Valuable Players na sina Curry at Kevin Durant, sa pag-asang mahihimok niya ang mga ito na maglaro sa 2024.
Ang two-time NBA champion na si Durant, isang Phoenix Suns forward, ay tumulong sa US Olympic gold-medal efforts sa London maging noong 2016 sa Rio de Janeiro at noong 2021 sa Tokyo.
US Stephen Curry during the Fiba World Cup final against Turkey in Istanbul on September 12, 2010. AFP PHOTO / FRANCK FIFE
Si Curry ay hindi pa nakapaglalaro para sa US Olympic squad ngunit nakatulong ito sa American clubs na mapagwagian ang 2010 at 2014 World Cup crowns, na tangi lamang nilang naging titulo mula noong 1994.
Ang iba pang nire-recruit ni James para sa 2024 US Olympic team, ay kinabibilangan ng kaniyang Los Angeles Lakers teammate na si Anthony Davis, Draymond Green ng Golden State Warriors at Jayson Tatum ng Boston Celtics.
Samantala, kabilang din sa interesado sa Paris Olympics, ay si Devin Booker ng Phoenix Suns, isang three-time NBA All-Star, at ang 38-anyos na si Chris Paul ng Golden State, na isang 2008 at 2012 gold medalist.