Legal move para buhayin ang kaso ni Senador Antonio Trillanes sa Makati RTC branch 148 ipinauubaya ng Malakanyang sa DOJ at OSG
Bahala na ang Department of Justice o DOJ at office of the Solicitor General o OSG kung anong legal na hakbang para mabuhay ang kasong kudeta ni Senador Antonio Trillanes sa Makati City Regional Trial Court branch 148.
Itoy matapos ibasura ni Judge Andres Soriano ng Makati RTC branch 148 ang petisyon ng DOJ na buhayin ang kasong kudeta ni Trillanes at maglabas ng arrest warrant at hold departure order.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na patuloy na kinikilala ng Malakanyang ang judicial independence kaya sa Korte Suprema na lamang ang inaasahang huling legal battle sa kaso ni Trillanes.
Ayon kay Panelo bagamat hindi naglabas ng arrest warrant ang Makati RTC branch 148 kinilala naman nito ang legalidad ng proclamation 572 na nagpapawalang bisa sa amnestiya ni Trillanes.
Ulat ni Vic Somintac