Legendary singer Tina Turner pumanaw na
Pumanaw na sa edad na 83 anyos ang legendary queen of rock n’ roll na si Tina Turner.
Sa official Instagram at Facebook page ng singer, inanunsyo ang pagkamatay ng batikang singer.
“It is with great sadness that we announce the passing of Tina Turner,” pahayag sa nasabing post.
“With her music and her boundless passion for life, she enchanted millions of fans around the world and inspired the stars of tomorrow.”
“Today, we say goodbye to a dear friend who leaves us all her greatest work: her music. All our heartfelt compassion goes out to her family.”
“Tina, we will miss you dearly.”
Kinumpirma ng publicist ng singer nasi Bernard Doherty ang pagkamatay ng singer.
Hindi man nagbigay ng detalye, sinabi ng publicist na matagal nang nakikipagbaka sa kaniyang karamdaman ang singer na naninirahan sa Zurich Switzerland.
Nakilala si Turner sa mga sikat na awitin gaya ng “Proud Mary,” “We Don’t Need Another Hero,” “Goldeneye,” at maraming iba pa.
Si Turner din ang kauna-unahang babaeng singer na naging cover ng Rolling Stone magazine.
Agad namang nagpahatid ng pakikiramay at panghihnayang ang mga personalidad mula sa music at entertainment industry.
Gamit ang kani-kaniyang social media account, ipinarating ng mga ito ang pagkilala sa batikang singer.
Sa kaniyang tweet, inilarawan ng aktor na si Elijah Wood si Turner bilang “a force of nature and a legend.”
Nagpugay din ang basketball superstar na si Earvin Magic Johnson sa pagsasabing “I’ve seen her many, many times and hands down, she gave one of the best live shows I’ve ever seen. She always gave you your money’s worth.”
Weng dela Fuente