LEGO bricks version ng “Sunflowers” painting, iprinisinta ng Van Gogh Museum ng Amsterdam

Van Gogh Museum in Amsterdam, Netherlands February 28, 2025. REUTERS/Piroschka van de Wouw
Nagkaroon ng kolaborasyon ang Van Gogh Museum ng Amsterdam at ang Danish toy brick-maker na LEGO, upang bumuo ng isang build-your-own version ng “Sunflowers” ni Vincent Van Gogh.
Habang nakatayo sa harap ng isang 1889 Van Gogh masterpiece, na isa sa mga serye ng sunflower painting na nagpatanyag sa kanya, sinabi ng museum curator na si Nienke Bakker na umaasa siyang ang LEGO version ay makatutulong sa mas maraming tao na maging pamilyar sa buhay at mga likha ni Van Gogh.

Curator at Van Gogh Museum Nienke Bakker and LEGO Product Designer Stijn Oom talk infront of a LEGO brick version of Van Gogh’s Sunflowers painting next to the original version of the painting displayed at the Dutch Van Gogh Museum in Amsterdam, Netherlands February 28, 2025. REUTERS/Piroschka van de Wouw
Binubuo ng dalawang libo, anim na raan at labinglimang (2,6150) piraso, kasama na ang adjustable petals, ang LEGO “Sunflowers” ay mas maliit kaysa sa ipininta ni Van Gogh, pero maraming oras pa rin ng kailangang gugulin para ito mabuo.
Bukod sa regular na LEGO bricks, may kasama itong isang specially-created brick na may lagda ni Van Gogh.

LEGO Product Designer Stijn Oom puts bricks together to assemble a LEGO brick version of Van Gogh’s Sunflowers painting at Van Gogh Museum in Amsterdam, Netherlands February 28, 2025. REUTERS/Piroschka van de Wouw
Sinabi ni Stijn Oom, isang designer sa privately-held Danish company, na ang challenge sa pagbuo nito ay ang pagpili sa tamang kulay.
Aniya, “It was exciting to try and kind of mimic all of the shapes in the painting with existing LEGO elements.”

A woman shows a box of a LEGO brick version of Van Gogh’s Sunflowers painting at Dutch Van Gogh Museum in Amsterdam, Netherlands February 28, 2025. REUTERS/Piroschka van de Wouw
Nang opisyal nang ibenta ang bagong set noong Sabado, ang Dutch fan na si Rienke Witmer, na bumangon ng alas singko ng umaga at nagsuot ng damit na may sunflower fabric, ay una sa mga pumila sa LEGO store ng Amsterdam, kasama ang kanyang asawa at dalawang anak.
Sinabi ni Witmer, “I like LEGO, and I like art, so it’s a good combination. I’ll hang it up in the room, so I can look at it every day.”