LENTE , magpapakalat ng 4,000 volunteers para bantayan ang proseso ng halalan


Mahigpit na babantayan ng Legal Network for Truthful Elections o LENTE, ang pagdaraos ng halalan sa bansa.

Ayon sa LENTE, kasama sa kanilang imomonitor kung nasusunod ba ang lahat ng karapatan ng mga botante lalo na ang mga vulnerable sector.

Kabilang na rito ang mga Person with disabilities at mga Senior citizens.

Ngayong eleksyon, magpapakalat ang LENTE ng mahigit apat na libong volunteers watchers para imonitor ang apatnalibong voting centers sa buong bansa lalo na sa mga lugar na may accessible polling place.

Ito’y para matiyak na magkakaroon ng tapat, malinis at transparent na resulta ng halalan.

Bilang isang non partisan organization, mahigpit ring ang gagawing pagbabantay ng NAMFREL.

Isa ang NAMFREL sa nabigyan ng accreditation ng comelec para magsagawa ng random manual audit sa resulta ng halalan.

Meanne Corvera

Please follow and like us: