Libreng dialysis sa mga mahihirap na residente sa mga lalawigan isinusulong sa Senado

Isinusulong ni Senador Sonny Angara ang pagbibigay ng libreng dialysis treatment sa mga mahihirap  sa mga lalawigan.

Sa Senate Bill 13-29 o Dialysis Center Act, aatasan ang lahat ng National, Regional at Provincial Government hospitals na maglunsad at mag-operate ng dialysis ward o unit  na magbibigay ng libreng dialysis medical procedure sa mga indigent patient.

Paliwanag ni Angara maraming mahihirap na pasyente na may kidney ailment ang walang kakayahan na bumiyahe sa mga lungsod at magbayad para sa dialysis treatment.

Katunayan sa datos ng World Health Organization, noong 2013 ang kidney disease ay pang-anim na dahilan ng kamatayan sa Pilipinas.

Kadalasan ding lumalala ang problema sa kalusugan ng mga mahihirap na pasyente na kailangang sumailalim sa dialysis treatment tatlong beses isang linggo dahil lumiliban ang mga ito dulot ng mataas na bayarin.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *